Inihayag SM Foundation Incorporated na layunin ng Kabalikat Sa Kabuhayan (KSK) program na ma-iangat ang buhay ng mga Pilipino sa mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga produktong pang-agrikultura, makabagong teknolohiya, at farm-market linkage.
Bago pa man maging global concern ang food security, kinilala na ni SM Founder Henry Sy Sr. Ang mga magsasaka bilang nanatiling most underserved sector ng lipunan.
Dahil dito, inilunsad ng SM Foundation ang Farmer’s Training Program bilang bahagi ng KSK kung saan nasa 28, 500 magsasaka ang nakinabang mula sa 900 na lungsod o bayan sa buong bansa.
Layon ng nasabing programa na makapagbahagi ng kaalaman sa mga maliliit na magsasaka upang matulungang maging self-sufficient at mapataas ang kanilang produksyon sa agrikultura.
Sa katunayan, ilan sa mga nasabing magsasaka ay seasonal supplier ng SM, habang karamihan sa mga ito ay benepisyaryo ng programa na kumikita na sa pamamagitan ng pagbebenta sa mga pamilihan.
Samantala, naglunsad ang SM Foundation ng KSK Farmer’s Market Day, na layong magbigay sa mga KSK Farmer ng libreng venue at assistance sa sm malls na kung saan maaari nilang ibenta ang kanilang mga produkto.
Sa ngayon, mahigit apatnapung SM Malls na ang may KSK Farmer’s Market Day.
Ang naturang inisyatiba ay sa pakikipagtulungan ng sm foundation sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), TESDA, City Agriculture Office, at SM Supermalls.
Maaari namang suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng SM Foundation sa Facebook, Twitter, Instagram at Youtube para malaman ang mga schedule ng KSK Farmer’s Market Day sa mga SM Mall.