Kinontra ni dating Senate President at PDP Laban Founding Chairman Nene Pimentel si incoming Presidential Spokesperson Attorney Salvador Panelo hinggil sa posibleng Constitutional Dictatorship sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Una nang iginiit ni Panelo na kakailanganin ni President elect Rodrigo Duterte ang hanggang Labinlimang taon bilang Pangulo upang masiguro raw na maisasakatuparan ang mga ipinangakong pagbabago para sa bansa.
Ngunit tugon ni Pimentel, isang kabaliwan ang konsepto na Constitutional Dictatorship.
Abogado rin, aniya, si Duterte at alam nitong dapat sundin ang saligang batas.
By: Avee Devierte