Nanawagan ang Kabataan Partylist sa PNP o Philippine National Police na pakawalan na ang lahat ng naarestong tambay.
Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, dapat na papanagutin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pahayag nitong dapat na damputin ng mga pulis ang mga taong walang ginagawa sa daan dahil posible silang mamerwisyo.
Patunay aniya ang pangyayari na naging blind followers na ng pangulo ang mga pulis dahil na rin sa utang na loob ng mga ito sa pagdoble sa kanilang sweldo.