Inihayag ng Department of Health na umabot na sa 14.1M ang bilang ng mga fully vaccinated na kabataan sa bansa.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang, 9.8M ang bakunado mula sa mga edad dose hanggang disi-siete, habang 4.3M ang bakunado sa age group na lima hanggang labing isa.
Binigyang diin din ni vergeire na magandang balita ito dahil na rin sa nalalapit na pasukan.
Mababatid na maguumpisa sa agosto a-bente dos ang pasukan para sa school year 2022-2023, habng simula Nobyembre 2 naman ay inaasahan na babalik na sa face-to-face classes ang lahat ng paaralan sa bansa.
Samantala, kahit pa 14.1 million na ang kabataan na fully vaccinated, sa huling tala ng department of education ay 18.6M na mag-aaral na ang nakapag-enroll at ang target ng ahensiya na maabot ang 28.6M enrollees para sa paparating na school year.