Umabot na sa 8,639 na mga menor-de-edad na may comorbidities ang nabakunahan kontra COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat sa mga kabataan ang nakaranas ng reactions sa bakuna.
Ayon kay Vergeire, tatlo dito ay may allergy habang ang isa naman ay mayroong anxiety.
Matatandang, sinimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata na nasa 12 hanggang 17 taong gulang .
Samantala, target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70% population ng Pilipinas sa buwan ng Disyembre.