Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong “maging bayani” gaya ng pagka-makabayan ni Andres Bonifacio lalo pa’t nakikipaglaban ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa selebrasyon ng ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa San Juan City, ipinanawagan nito sa mamamayang Pilipino na tularan ang katapangan at pagmamahal sa bayan ni Bonifacio.
Dagdag pa ng Pangulo, dapat magsilbi aniyang gabay at inspirasyon ang ipinamalas na katapangan at kabayanihan ni Andres Bonifacio upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay ng mga Pilipino at para na rin sa kaunlaran ng bansa.—mula sa panulat ni Joana Luna