Hinikayat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga kabataan at ang susunod na henerasyon na tularan ang ipinakitang pagmamahal sa bayan ng mga beterano.
Sa kaniyang mensahe para sa araw ng kagitingan kahapon, sinabi ng kalihim na huwag dapat mawaglit sa isipan ng mga Pilipino ang ginawang sakripisyo ng mga beterano na nagbuwis ng buhay para lumaya ang bansa mula sa mga mananakop na dayuhan.
Kahapon, kinilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ambag ng mga beteranong sundalo na nakipaglaban nuong ikalawang digmaang pandaigdig.
Ayon kay Lt/Col. Emmanuel Garcia, pinuno ng Public Affairs Office (PAO) ng AFP, mananatili aniyang inspirasyon ang ginawang kabayanihan ng mga beterano gayundin ang pagsasakripisyo ng mga kasalukuyang sundalo.
Nakikisa rin ang pambansang pulisya sa pagbibigay pugay sa mga sundalong mas inisip ang kapakanan ng bansa sa halip na sarili para sa mga Pilipino at para sa bayan.