Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang kabayanihan ng mga pulis sa pagdiriwang ng ika-114 anibersaryo ng serbisyong pulis.
Ayon kay Marquez, napanatili ng Kapulisan ang adhikain nitong serbisyuhan ang mamamayan at ang bayan simula pa noong una itong matatag bilang Philippine Constabulary Integrated National Police hanggang sa ito ay maging Philippine National Police.
Pinasalamatan din ni Marquez si Pangulong Nyonoy Aquino sa ginawa nitong pagpapalakas sa PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong baril at iba pang mga kaukulang kagamitan.
“This is indeed an expression of the administration responsiveness to the needs of the Philippine National Police, especially those who are serving at the frontlines, ang lahat ng ito ay susuklian naming ng serbisyong tapat at makabuluhan.” Ani Marquez.
By Rianne Briones