Pinangunahan ni Philippine National Police o PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng tinaguriang SAF 44.
Ito’y para dakilain ang kanilang kabayanihan sa madugong Oplan Exodus sa araw na ito nuong 2015 kung saan napatay ang Malaysian Bomb maker na Zulkifli bin Hir alyas Marwan.
Maliban kay Sinas, nag alay din ng bulaklak sina NCRPO Dir. P/MGen. Vicente Danao Jr, SAF Dir. P/BGen. Bernabe Balba, DPWH Sec. Mark Villar at ang kapatid ng nasawing SAF Commando Cpl. Romeo Cempron na si Richard.
Nagpaabot naman ng kaniyang pasasalamat si Gng. Rocelle Nacino, biyuda ni P/Cpl. Nicky Nacino sa ngalan ng mga naulilang pamilya ng SAF 44 sa iginawad na Medal of Valor para sa kanilang mga bayaning mahal sa buhay.
Naging matagumpay ang Oplan Exodus upang tugisin sina Marwan at kama nitong si Basit Usman subalit napintakasi ang mga ito sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.
Bagama’t nakatakas si Usman nuong una, pero nasawi rin ito matapos masukol ng mga tropa ng Militar at Pulisya ilang buwan ang nakalipas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)