Ginagamit na inspirasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang ipinamalas na kabayanihan ng pambansang bayani ng bansa na si Gat Jose Rizal.
Ito ang naging sentro ng mensahe ni PNP officer-in-charge Lt. General Archie Gamboa kasabay ng pag-gunita sa ika-123 anibersaryo ng kamatayan ni Rizal ngayong araw, ika-30 ng Disyembre.
Ayon kay Gamboa, kaisa ng sambayanang Pilipino ang buong hanay ng pulisya sa pagbibigay-pugay sa ginawang pagsasakripisyo at pag-aalay ni Rizal ng kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa.
Aniya, pangunahin si Rizal sa mga natatanging insipirasyon ng halos 200,000 kawani ng PNP para isabuhay ang kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan at paglingkuran ang sambayanan.
Sinabi ni Gamboa, pinatutunayan ng PNP ang buong pusong paglilingkod sa bayan nang tulad kay Rizal at pagiging tahanan ng mga makabagong bayani sa pamamagitan ng kanilang serbisyo-publiko. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)