Hindi dapat palakihin at bigyan ng kulay ang kabiguan ni Liberal International President Juli Minoves na makita sa kanyang detention cell si Senadora Leila de Lima matapos hindi ito pinayagan ng Philippine National Police.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naipaliwanag na ng PNP kung bakit tanging si Minoves ang hindi nakapasok sa detention cell ni De Lima sa Kampo Crame nang dalawin ito ng kanyang mga bisita.
Mahigpit aniya ang ipinaiiral na protocol ng PNP Custodial Center at wala ang pangalan ng Liberal International President sa mga isinumiteng pangalan na inaprubahang bumisita sa Senadora.
Nakapasok aniya ang mga kasamahan ni Minoves at nakita si De Lima dahil nailagay ang mga ito sa listahan.
Itinuturing ng palasyo na non-issue ito kayat walang dahilan aniya para ito ay palakihin.
By: Aileen Taliping
Kabiguang makadalaw ni Liberal Intl. Pres. Monives kay Sen. De Lima di dapat umano bigyan ng kulay was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882