Sinayang ng Pilipinas ang pagkakataong makakuha ng suporta sa napanalunang kaso laban sa China sa International Arbitral Tribunal.
Pahayag ito ni dating Philippine Ambassador to US Jose Cuisia Jr., matapos mabigo ang Pangulong Rodrigo Duterte na talakayin ang isyung ito sa kanyang bilateral meeting kay Chinese President Xi Jin Ping.
Ayon kay Cuisia, nakakatiyak siya na aani ng suporta ang Pilipinas mula sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na mayroon ding inaangking teritoryo sa South China Sea.
Minaliit ni Cuisia ang kasunduan sa ASEAN Summit na simulan ang pagbuo ng code of conduct sa South China Sea.
2012 pa aniya sinimulang isulong ang code of conduct subalit tila sadyang inaantala ito ng China hangga’t hindi natatapos ang kanilang mga planong itayo sa mga pinag – aagawang isla sa South China Sea.