Bumulusok sa 7 antas ang English proficiency o galing sa pagsasalita ng ingles ng mga Pilipino.
Batay sa inilabas na global ranking ng international language training company na education first mula sa 20th spot noong isang taon nasa rank 27 na ang Pilipinas sa 2020 English Proficency Index matapos umiskor ng 562 mula sa 700 points.
Nangunguna naman sa global ranking ang Netherlands sa 652 output nito.
Samantala pumuwesto naman sa ika-2 ang Pilipinas sa English competency sa asya o sunod sa Singapore na nasa 10th rank sa global index matapos magtala ng 611 points.
Ayon sa education first ang Pilipinas ay mayroong markang “high” sa proficiency band na may kinalaman sa paggawa ng presentation habang nasa trabaho, pag-intindi o comprehension sa mga television shows at pagbabasa ng diyaryo.
Ang index ay ibinase sa mga survey na isinagawa sa pamamagitan ng isang online quiz na sinalihan ng mahigit 2-M indibidwal mula sa 100 bansa at teritoryo.