Apat (4) ang patay habang walo (8) ang sugatan sa panibagong suicide bombings sa Kabul, Afghanistan.
Naganap ang pag-atake sa isang Al-Zahra Shiite Mosque habang abala ang marami sa pagdarasal sa kasagsagan ng Ramadan at pagbisita ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres.
Ayon sa mga awtoridad, pinasabog ng mga salarin ang kanilang sarili sa kusina makaraang pagbawalan ng mga pulis na pumasok sa mosque.
Inako naman grupong islamic state ang panibagong pambobomba.
By Drew Nacino
Kabul Afghanistan muling binulabog ng pambobomba was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882