Naka full alert na ang Kabul City sa Afghanistan matapos ang ginawang pag-atake at pamomomba ng mga Islamic State Khorasan (IS-K) sa isang military hospital sa nabanggit na lugar.
Matatandaang nag-iwan ng 25 patay habang nasa 50 naman ang sugatan na ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa pagamutan.
Ayon sa Taliban Forces, nagkaroon pa ng engkwentro sa lugar matapos ang pagsabog dahilan ng pagkakasawi ng apat pang mga suspek.
Kinondena naman ni Taliban Spokesman Bilal Karimi ang ginawa ng IS-K.
Sa ngayon, ligtas at wala namang nadamay na pinoy sa naganap na engkwentro at pamomomba. —sa panulat ni Angelica Doctolero