Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng halos 16,000 na COVID-19 recoveries sa loob lamang ng isang araw.
Dahil dito, sumampa na sa higit 1.6-M ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Nagkaroon naman ng 16,694 na bagong impeksiyon habang 400 pang pasyente ang pumanaw dahil sa Coronavirus.
Sa kasalukuyan, higit 1.8-M na ang total COVID-19 cases sa buong kapuluan.