Aabot na sa kabuuang walong daang temporary shelters ang naipamahagi ng gobyerno sa mga residenteng naapektuhan ng giyera sa Marawi City bago matapos ang taong 2017.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, halos nasa labintatlong porsyento na ang nagagawa ng pamahalaan para sa agarang pagbangon ng Marawi.
Pagmamalaki pa ni Roque, sa loob lamang ng dalawang buwan ay mabilis na umuusad ang rehabilitasyon sa lungsod matapos itong maideklarang malaya na mula sa kamay ng mga terorista.
Pagpapakita lamang aniya ito na tinutupad ng pamahalaan katuwang ang iba’t ibang ahensya ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin nito ang lahat para agad na makabangon ang mga biktima ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.