Umakyat na sa mahigit 233,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Brazil.
Ito ay matapos makapagtala nghalos 15,000 bagong kaso sa loob lamang ng 24 oras.
Dahil dito, naungusan na ng Brazil ang Italy at France na siyang dating ika-apat at ikalima ng pinakaapektadong bansa ng COVID-19.
Sumusunod na ang Brazil sa mga Estados Unidos, Russia at United Kingdom na siyang mga bansang nangunguna sa may pinakamataas na naitalang kaso ng nabanggit na sakit.
Magugunitang, tinututulan ni Brazil President Jair Bolsonaro ang pagpapatupad ng strict social isolation at quarantine ng ilang state governors dahil sa epekto nito sa ekonomiya.