Pumalo na sa 8,800 ang kabuuang bilang ng mga boluntaryong sumukong mga drug user at pusher sa NCR Police office sa ilalim ng Oplan Tokhang mula July 1.
Ayon kay NCR Police office Acting Regional Director Chief Superintendent Oscar David Albayalde, kinatok nila ang higit Labindalawang Libong mga bahay ng mga kilalang drug user at pusher sa Metro Manila na nagresulta ng halos 9,000 surrenderees sa NCR.
Samantala, umabot naman sa 1.8 Billion Pesos ang halaga ng shabu na nakumpiska at Dalawampung Armas at Isang Granada ang nakuha rin ng nga otoridad mula sa mga drug surenderees.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal