Umabot na sa 11,618 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 268 na bagong kaso nitong nakalipas na 24 oras.
Sinasabing sa bilang na ito, 165 ang nadagdag sa National Capital Region (NCR), 58 sa Region 7 at 45 naman mula sa iba pang mga rehiyon.
Samantala, pumalo na sa 2,251 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 bunsod ng 145 na bagong recoveries.
Ayon sa DOH, nasa 772 na ang mga nasawi kasunod ng 21 na bagong insidente ng pagkamatay na naitala ng ahensya.