Umabot na sa 1,755,846 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa ating bansa.
Ayon sa case bulletin ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 14,610 na mga bagong kaso ng COVID-19.
106,672 naman ang nananatiling aktibo sa virus o 6.1%.
1,618,808 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos na maitala ang 10,674 na mga bagong gumaling dito.
28 naman ang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19 dahilan para sumirit sa 30,366 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.