Nakapagtala ng karagdagang 9 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Cebu City sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Cebu City Public Information Office, batay sa pinakahuli nilang tala kahapon, umaabot na sa 1,749 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Walo anila sa bagong kaso ay mula sa barangay Ermita at isa naman sa barangay Mambaling.
Dagdag ng Cebu City PIO, ang pagtaas ng bilang ng kaso ay bunsod na rin ang isinasagawa nilang mass testing at contact tracing.