Pumalo na sa mahigit 100,000 ang mga kaso ng dengue na naitala sa bansa ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 102,619 ang kabuuang bilang ng naturang sakit sa bansa mula lamang Enero a-uno hanggang Hulyo a-trenta.
Mababatid na, 44,361 lamang ang mga naitalang kaso ng dengue, sa parehong mga buwan noong 2021.
Samantala, nangunguna sa bilang ng kaso ang Central Luzon na mayroon nang 18,664, na sinundan ng Central Visayas na may 10,034 at Metro Manila na mayroon namang 8,870 recorded dengue cases.