Umakyat na sa 12,513 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito ay matapos makapagtala ng panibagong 208 kumpirmadong kaso ang Department of Health (DOH), kahapon.
Nadagdagan naman ng 74 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 dahilan kaya umakyat na sa 2,635 ang kabuuang nakarekober.
Samantala, 7 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na mayroon nang kabuuang bilang na 824.
Ayon sa DOH, naitala ang 83% o katumbas ng 174 na mga bagong kaso sa Metro Manila habang 16% o 33 ang mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.