Umabot na sa kabuuang 805 ang bilang na mga residenteng dinapauan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mandaluyong City.
Batay sa datos na inilabas ng health office ng naturang lungsod, kahapon, Martes, 16 ng Hunyo, 11 ang nadagdag sa mga napopositibo sa virus.
Sa kabuuang 805 na mga kumpirmadong kaso, 229 dito ang itinuturing na aktibong kaso.
188 naman ang mga probable cases, at 1,119 na ang mga suspected cases ng naturang virus.
Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang 9 na bagong gumaling o mga nakarekober sa nakamamatay na virus, kaya’t umabot na sa 516 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Samantala, nasa 60 na katao naman ang nasawi dahil sa virus.