Umabot na sa mahigit 300 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Valenzuela.
Sa pinakabagong tala ng health department ng lungsod, nasa kabuuang 391 na ang mga nadapuan ng nakamamatay na virus.
Sa naturang bilang, 149 ang active cases, habang may kabuuang 227 na ang gumaling o nakarekober sa COVID-19.
Sa kaparehong bulletin, 15 na ang nasasawi sa lungsod ng Valenzuela dahil sa COVID-19.