Inaasahang mahahawakan na ng PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang kalahati ng kabuuang bilang ng mga election return bukas.
Ayon sa grupo, nasa 15 hanggang 20 porsyento pa lamang ng mahigit 85,000 na mga election return ang na – encode manually ng kanilang mga volunteer.
Nagmula ang naturang mga election returns sa Maynila, Pasay, Makati, Mandaluyong, Paranaque, Pasig, Taguig, Pateros, Cavite at ilang bahagi ng Region 4-A.
Ayon kay PPCRV Board Member Dr. Arwin Serrano, mahalaga ang ma – validate ang resulta ng eleksiyon sa parallel count ng grupo lalo pa’t nagkaroon ng technical glitch ang COMELEC.