Karagdagang 39 na personnel ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito pumalo na sa 6,675 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Bunsod nito, magandang balita naman dahil sumipa na sa 5,976 ang mga gumaling sa loob ng PNP, kungsaan 26 dito ang new recoveries.
Samantala, nananatili naman sa 20 ang binawian ng buhay sa kanilang hanay.
Sa ngayon nasa 679 na lamang ang active cases sa PNP.