Umabot na sa mahigit 52.1 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa buong bansa.
Batay sa national COVID-19 vaccination dashboard, mahigit 24 milyong indibidwal ang fully vaccinated na o nakatanggap ng dalawang dose, habang mahigit 27 milyon naman ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez, na sapat na ang suplay ng bakuna sa bansa.
Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 91.5 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang kabuuang supply ng bakuna na natanggap ng Pilipinas.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico