Walo ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ng bohol dahilan para umabot na sa 422 ang kabuuang bilang nito.
Batay sa datos mula sa emergency operations center ng Bohol Inter-Agency Task Force o BIATF, mula September 16 hanggang 23 ay may 50 naitalang nasawi dahil sa nasabing sakit.
Mayroon namang 2,116 active cases kung saan nananatiling pataas ang trend ng COVID-19 cases sa lalawigan.
Bukod dito, mataas rin ang occupancy rate ng ospital sa probinsya kung saan nasa moderate hanggang critical risk na ito.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ng health authorities ang publiko na patuloy na sundin ang Covid-related health protocols. — sa panulat ni Hya Ludivico.