Pumalo na sa kabuuang 41, 701 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP.
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang 34 na bagong kaso ng virus.
655 naman ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19.
40,923 na ang bilang ng mga nakarekober sa virus.
Samantala, 123 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.