Pumalo na sa kabuuang 41, 453 ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP.
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang 64 na bagong kaso ng virus.
842 ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19 habang 40,488 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Samantala, nananatili sa 123 angnasawi sa naturang virus sa hanay ng pulisya.