Umabot na sa P3B ang halaga ng mga ari-ariang winasak ni bagyong Odette sa Southern Leyte.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), magastos ang iniwang pinasala ng bagyo kung saan, karamihan sa mga nasira ay ang mga kabahayan at mga poste dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala paring suplay ng kuryente sa lugar.
Bukod pa dito, nawalan din suplay ng tubig sa lugar, maging ang kanilang komunikasyon.
Sa pahayag ni Public Works Secretary at Southern Leyte Rep. Roger Mercado nasa 19 na indibidwal ang nasawi habang nasa 8 naman ang naitalang sugatan.
Sa ngayon, ginagawan na ng paraan ng DPWH upang matugunan ang kakulangan at pangangailangan ng Southern Leyte. —sa panulat ni Angelica Doctolero