Umakyat na sa 3,646,793 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 2,196 na panibagong kaso ng virus kung saan nasa 66,588 na ang active cases sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 3,524,875 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 4,409.
Habang papalo na sa 55,330 ang kabuuang nasawi matapos madagdagan ng 107 na bagong namatay sa virus.