Sumampa na sa 467,601 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,885 ng bagong impeksiyon nang mabigong magsumite ng datos sa tamang oras ang 15 laboratoryo sa bansa.
Nanguna ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso na pumalo sa 130 na sinundan ng Bulacan (122), Davao City (99), Rizal (78), at Leyte (63).
Gumaling naman ang 307 pasyente dahilan upang umakyat sa 430,791 ang total recoveries sa buong kapuluan.
Samantala, sumirit naman sa 9,062 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng7 pang COVID-19 patients.