Umabot na sa kabuuang 2,836,360 ang kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 356 na panibagong kaso ng virus.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,774,891 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa Covid-19 matapos na madagdagan ng 631.
Habang papalo na sa 50,096 ang kabuuang nasawi matapos madagdagan ng 135 bagong namatay sa Covid-19.