Pumalo na sa kabuuang 42,231 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng covid-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang 2 na bagong kaso ng virus.
Habang 29 naman ang bilang ng mga aktibong kaso sa Covid-19.
Nasa mahigit 42,000 naman ang bilang ng mga nakarekober sa covid-19 matapos madagdagan ng 2 gumaling sa virus.
Samantala, 125 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa covid-19 sa PNP.