Nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 533 dengue cases o 16% mula May 22 hanggang June 4.
Batay sa datos ng DOH, naitala ang 458 cases mula May 8 hanggang May 21 kung saan 13 dito ang nasawi sa naturang sakit.
Naitala naman ang pinakamaraming dengue cases sa Quezon City, na sinundan ng Caloocan, Taguig, Valenzuela, at Malabon.
Samantala, nagbabala naman ang DOH sa publiko na posible pang tumaas ang kaso ng dengue bunsod ng pag-ulan.