Umakyat na sa 48 ang kabuuang kaso ng Omicron Variant ng COVID-19 matapos madagdagan ng 29 na panibagong kaso sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, sinabi ng Health Department na 10 rito ay returning Overseas Filipinos habang 19 ang local cases na nakatura umano sa Metro Manila.
15 naman ang aktibong kaso habang tatlo ang nakarekober at dalawa ang bineperipika pa.
Maliban dito, nakapagtala pa ang DOH ng labingwalong karagdagang kaso ng Delta variant sa bansa kung saan umabot na sa 8,497 ang kabuuang bilang ng naturang variant.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng kagawaran na magpabakuna upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng virus.