Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mas mataas na pinsala sa imprastraktura dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.
Batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, papalo sa 325 ang kabuuang bilang ng mga imprastraktura ang winasak ng bagyo na nagkakahalaga ng mahigit 16 na bilyong piso (16,715,334,982.11).
Nagmula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, CENTRAL VISAYAS, EASTERN VISAYAS, NORTHERN MINDANAO, SOCCSKSARGEN at CARAGA ang mga nawasak na imprastraktura.
Aabot naman sa mahgigit 5.3 bilyong piso (5,342,538,557.25) ang naitalang pinsala sa sektor ng Agrikultura kung saan ay nasa halos 80 libong (79,452.9925) ektarya ng taniman ang napinsala habang nasa 1.7 milyon (1,174,296) ang napinsalang livestock at poultry. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)