Pumalo na sa halos P8 billion ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura ng matinding tag-init bunsod ng nararanasang El Niño sa bansa.
Batay sa ipinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinakamatinding tinamaan ang sektor ng pangisdaan sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera, Bicol, Eastern at Western Visayas
Gayundin sa mga lalawigan sa regions 9, 10, 11, 12, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Aabot naman sa halos 250,000 magsasaka ang apektado sa mga nabanggit na lugar.
Habang nasa 78,000 pamilya o katumbas ng halos apatnaraang libong indibiduwal ang apektado na ng tag-init.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)
—–