Pumalo na sa kabuuang 12.09 trillion pesos ang utang ng gobyerno sa pagtatapos ng Enero.
Iniulat ng Bureau of Treasury na nasa 30.4% ang external debt habang 69.6% ang domestic borrowings.
Umakyat sa 8.41 trillion pesos ang domestic debt, na mas mataas ng 0.5% noong Enero at 3% kumpara noong Disyembre 2021.
Tumaas ng 0.5% ang external debt kumpara noong Enero dahilan para umabot ito sa 3.68 trillion pesos.
Samantala, iniuugnay ang utang dahil na rin sa pagbaba ng palitan ng piso sa dolyar at iba pang foreign currencies. – sa panulat ni Airiam Sancho