Bigo ang gobyerno na magkaloob ng libreng pabahay sa mga maralita kaya’t inokupa ng tinatayang 5000 mahirap mula sa urban poor group na kalipunan ng damayang mahihirap ang mga housing project ng National Housing Authority sa Bulacan.
Iginiit ni KADAMAY Chairperson Gloria Arellano na hindi sila illegal trespasser o kriminal dahil batid nilang para sa kanila ang mga bakanteng bahay na ipinatayo ng NHA sa Villa Luis, Bureau of Jail Management and Penology Village, sa Pandi at San Jose Del Monte Heights, San Jose Del Monte City.
Ayon kay Arellano, masyadong maraming tinutukoy na proseso ang NHA sa mga nakalipas na taon at maka-ilang beses na ring dumalo sa mga dayologo pero hanggang ngayon ay wala silang permanteng bahay.
Panahon na anya upang bawiin nila ang kanilang karapatan na magka-bahay dahil habang maraming maralita ang pinagkakaitan ng permanenteng matitirhan ay lalo silang nalulugmok sa kahirapan.
Dagdag ni Arellano, dapat panigan ng gobyerno ang karapatan ng mga mamamayan at tuldukan na ang napakahabang proseso na maituturing na balakid at “undemocratic.”
By: Drew Nacino