Nakahanda ang mga mamamayang nag-okupa ng pabahay ng pamahalaan sa Pandi Bulacan na lumaban sa sandaling sapilitan na silang palayasin sa lugar.
May pitong (7) araw ang mga miyembro ng KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap para lisanin ang mga inokupa nilang bahay at kung hindi ay sapilitan na silang paaalisin sa lugar.
Ayon kay Aling Gloria Arellano, National Chairperson ng KADAMAY, halos lahat ng mga miyembro nilang nag-okupa sa pabahay ay wala na talagang mapupuntahan kayat siguradong lalaban ang mga ito.
Una rito, ipinaskil na ng NHA sa mga bahay na illigal na pinasok ng kadamay ang eviction notice kung saan sinasabi na karapatan ng pamahalaan na sapilitang paalisin ang mga squatter colony sa mga tahanan na pinangangasiwaan ng NHA.
“Ang aming mga miyembro ay nasa kanila na rin ang pagpapasya, hindi kami ang magpapasya kapag talaga sila ay dinahas, alam mo namang marahas ang gobyerno, nakaranas na ako ng karahasan ng mga yan lalo na sa demolisyon.” Pahayag ni Arellano
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)