Bumalik at muling itinayo ng mga miyembro ng grupong Kadamay ang kanilang mga barong-barong sa Apollo street sa Tandang Sora, Quezon City.
Sinabi ng kinatawan ng Apollo neighborhood association sa report na mahinahong nakiusap ang mga ito sa gwardya na sila ay muling papasukin.
Ang naturang lupain ay una nang inangkin nina Reynaldo Guiyab at Jose Gonzales.
Iginiit ng Kadamay na sa gobyerno ang naturang lupain at natalo na sa korte sina Guiyab at Gonzales.
By Katrina Valle