Nagbanta ang grupong Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na o ookupahin ang ilan pang nakatenggang housing projects ng gobyerno sa mga bayan ng Bustos at Bocaue sa Bulacan.
Sinabi ni Kadamay Chair Gloria Arellano na ipinaalam na nila sa Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pag-okupa nila sa tatlong libong (3,000) kabahayan sa Bocaue at halos siyam na raang (900) bahay sa Bustos.
Sinasabing mahigpit namang nakabantay na ang mga awtoridad kasama ang mga residente sa Bocaue Heights at Bustos Heights Housing Projects.
Una nang inokupa ng Kadamay ang may dalawampung (20) miyembro ng grupo ang limang libong (5,000) kabahayan sa Pandi at San Jose del Monte sa probinsya rin ng Bulacan.
AFP
Samantala, tiwala ang militar na wala nang gagawin pang iligal na pag-okupa ang grupong Kadamay.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagbabala sa Kadamay na huwag nang uulitin ang ginawang pag-okupa sa housing units sa Pandi, Bulacan na ibinigay na rin sa kanila ng gobyerno.
Binigyang diin ni Padilla na dapat sundin ang rule of law at kung lalabag dito ang Kadamay o iba pang grupo, hindi sila mag aatubiling ipatupad ang batas.
By Judith Larino