Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) laban sa ilang pulis sa Pandi, Bulacan dahil sa umano’y pangha-harass sa kanila.
Ayon sa grupo, mga kasong robbery, gross misconduct, conduct unbecoming of a public official, at conduct prejudicial to the best interest of the service ang isinampa nila laban sa mga hindi pinangalanang opisyal ng Pandi Police.
Nag-ugat ang reklamo sa ginawang pagsalakay ng pulisya sa opisina ng pahayagang Pinoy Weekly kung saan kinumpiska rin ng mga ito ang ilang kopya ng diyaryo bunsod ng umano’y pagiging “subversive” nito.
Maliban dito, sinasabing pinaratangan din ng mga pulis ang Pinoy Weekly na “illegal” at tinuturuan ang mga tao para kalabanin ang gobyerno.