Nagmatigas ang mga miyemrbo ng grupong Kadamay na inukopa sa mga bakanteng housing unit sa Pandi at San Juan Del Monte sa Bulacan.
Ito ay sa kabila ng 7 araw na ultimatum na ibinigay ng National Housing Authority o NHA para umalis ang grupo sa nasabing pabahay.
Ayon kay Kadamay Secretary General Carlito Badion, hindi sila aalis at handa silang idipensa ang mga bahay na kanilang inokupa.
Iginiit ni Badion na matagal nang nakatiwangwang ang naturang mga pabahay kaya marapat lamang itong pakinabangan ng mga mahihirap.
Una nang nakipag ugnayan ang NHA sa mga miyembro ng grupo upang pakiusapan na lisananin na ang pabahay na laan para sa mga sundalo at pulis.
By Rianne Briones