Nanindigan ang urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY na walang nag-udyok sa kanila upang okupahin ang mga housing project ng National Housing Authority sa Bulacan.
Ayon kay KADAMAY Chairperson Gloria Arellano, pinanghawakan lamang nila ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng pabahay ang mga maralita.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni KADAMAY chairperson Gloria Arellano sa panayam ng BNSP
Hindi naman naniniwala si Arellano na naka-reserba na para sa mga pulis at sundalo ang ilang pabahay gaya sa Villa Luis, Bureau of Jail Management and Penology Village, sa Pandi at San Jose Del Monte Heights, San Jose Del Monte City.
Wala anyang namang patunay o kasulatan na inilaan ang mga housing unit para sa mga sundalo at pulis.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni KADAMAY chairperson Gloria Arellano sa panayam ng BNSP
By: Drew Nacino