Isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang patay limang (5) araw matapos isugod sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Kinilala itong si Cadet 4th Class Erwin Christian Vergara, 19 anyos na binawian ng buhay noong Lunes dahil umano sa Hemorrhagic Shock o Hypovolemia.
Ang Hypovolemia ay isang uri ng karamdaman kung saan kinakapos ng supply ng dugo o body fluid ang isang tao dahilan upang tumigil ang pagtibok ng puso.
Ayon kay P.M.A. Spokesman, Lt. Col. Reynaldo Balido, Abril 25 nang isugod sa ospital si Vergara pero wala namang indikasyon na minaltrato ito o sumailalim sa hazing.
Abril nang pumasok sa P.M.A. si Vergara na tubong-Alcala, Cagayan.
Samantala, napag-alaman ng mga doktor na may medical history ng pabalik-balik na pananakit ng tiyan sa nakalipas na tatlong taon ang kadete.
By Drew Nacino / Jonathan Andal (Patrol 31)
Isang kadete ng PMA patay was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882